Wala
na tayong bigas pangsaing! ‘Yong matrikula ni nene! Renta ng bahay. Bayarin sa
kuryente at tubig. ‘Yong utang sa bumbay! Inay ko po! Bakit ba ang hirap maging
mahirap?
Isang
pagbati ng magandang araw sa ating lahat.
Kahirapan
– iyan ang isa sa pinakamalaking suliraning kinahaharap ng ating bansa. Isang
suliranin na deka-dekada nang pahirap sa bawat Pilipino. Isang suliranin na
nagsisilbing malaking dungis sa ating bayan.
Ayon
sa istatistika ng Social Weather Stations noong Disyembre 2019, 54 porsyento ng
pamilyang Pilipino ang naniniwalang sila ay mahirap o may katumbas na 13.4
milyong Pilipino. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit saanmang
dako ng bansa tayo makarating, hinding-hindi mawawala ang problema sa
kahirapan.
Ngayon,
may pag-asa pa bang masulosyunan ang kahirapan sa ating bansa? Isang malaking
oo.
Ayon
sa ginawang pananaliksik nina Muhammad Afzal, Muhammad Ehsan Malik, Ishrat
Begum, Kafeel Sarwar at Hina Fatima sa bansang Pakistan, napag-alaman nilang
ang edukasyon ay nakatutulong upang mabawasan ang kahirapan.
Ipinapakita
lamang nito na ang edukasyon ay isa sa mga solusyon upang makaahon tayo sa
kahirapan. Kung bibigyan natin ng halaga at kung gagamitin natin nang tama ang
edukasyon, may pag-asang guminhawa ang ating buhay.
Isa pa
sa naging dahilan ng kahirapan sa ating bansa ay ang mga pulitikong korap.
Imbes na ialan sa programang pangmahirap ang kaban ng yaman ay inilalaan nila
ito sa mga bagay na ikababango lang ng kanilang pangalan; at ang mas malala
pa’y binubulsa nila ang kaban para sila ang hindi maghirap.
Nakatatawa
hindi ba? Kung sino pa ang ating inaasahan ay sila pang manghihila.
Ngunit,
isipin din nating ang pamahalaan ay hindi pabrika ng kaginhawaan. Huwag mong
iasa sa kanila ang ginhawang gusto mo. Matuto tayong magsumikap. Hindi tayo
aahon kung buong araw lang tayong nganga sa isang tabi. Ang kaginhawaan ay ang
tunay na pinaghihirapan.
Marami
pang solusyon upang guminhawa tayo sa lawa ng ating kalugmukan. Hindi pa huli
ang lahat para sa ating minamahal na bansa. Ngayon nating ipakita ang
“Bayanihan Sipirit” ng mga Pilipino. Hindi ito laban ng presidente o ng
pamahalaan lamang – laban ito ng lahing matatapang.
Ang
kahirapan ay hindi panghabangbuhay. Nasa sa atin, nasa sa iyong mga kamay ang
solusyon sa problemang ito. Oras na para bumangon tayo. At ikaw, oo ikaw, ay
may malaking responsibilidad sa labang ito.
Iwaksi
natin ang kahirapan na sumisira sa ating bansa at sa ating pag-asa. Laban,
Pinas!
2 Mga Komento
hello, can I use your Talumpati piece? I'll mention you on credits if it is okay with you.
TumugonBurahinThank you :)
TumugonBurahinSalamat sa pagbisita sa Hibarong Filipino.