Mga Kinakailangan at Paraan ng Pagpapasa
Ang Hibarong Filipino ay bukas sa mga manunulat na nais ilathala ang kanilang mga akda sa pook-sapot na ito.
Ano-ano ang mga uri ng panitikang tatanggapin?
Ang mga sumusunod na panitikan lamang ang tatanggapin upang
mailathala sa Hibarong Filipino:
- Maikling kuwento
- Talumpati
- Tula
- Sanaysay
- Pabula
- Alamat
- Mitolohiya
- Kuwentong Pambata
- Dagli
Tandaan:
- Ang ipapasa rapat ay ORIHINAL na ginawa. Lahat ng responsibilidad ay nakaatang sa nagpasa, at walang pananagutan ang Hibarong Filipino.
- Kailangan ang ipapasa ay maayos ang pormat, maayos ang istruktura, at walang gaanong mali sa teknekalidad.
- Hindi tatanggapin ang anumang kuwento o lathalaing nag-uudyok ng karahasan, sekswal, diskriminasyon, o mga katulad nito.
- Filipino o Taglish lamang ang wikang tatanggapin.
Paano magpapasa?
- Lahat ng mga ibig magpasa ay magpasa sa sulatronikong ito: sataka5678@gmail.com
- Anumang pagpapasa sa ibang paraan ay hindi bibigyan-pansin.
- Ang ipapasa ay marapat lamang na nasa docx o doc. Hindi tatanggapin ang nasa PDF o iba pang uri.
- Sa pagpasa, punan ang mga sumusunod na impormasyon:
- Pamagat:
- May-akda: (kung anong pangalan ang nais mong ilagay sa lathala; maaaring totoong pangalan o sagisag-panulat)
- Uri ng Panitikan:
- Kawing o link: (kung ikaw ay may mga akawnt sa Wattpad o katulad nito)
Mahalagang Tandaan:
Kung ang iyong akda ay tanggap na at
handa nang ilathala, ikaw ay makatatanggap ng tugon.
Paalala:
Sa iyong pagpasa, nangangahulugang ikaw ay pumapayag at
sumasang-ayon sa mga alituntunin ng Hibarong Filipino. Binibigyan mo ng
karapatan ang Hibarong Filipino na ilathala ang iyong akda sa pook-sapot na ito
at sa iba pang hatirang pangmadlang pinangangasiwaan ng Hibarong Filipino.
Ang pagkilala at kredito ay mananatili sa iyo.
0 Mga Komento
Salamat sa pagbisita sa Hibarong Filipino.