Ad Code

ORTOGRAPIYANG FILIPINO | Introduksyon sa Ortograpiyang Filipino

ORTOGRAPIYANG FILIPINO  | Introduksyon sa Ortograpiyang Filipino

Ang wika ay dinamiko at buhay. Ito’y patuloy na nagbabago kasabay ng panahon. Ang mga pagbabagong ito ay maaaring bunga ng kasaysayan o ng malilikhaing isipan ng mga mamamayan. Ganoon man, hindi maikaiila na lahat ng wika ay may tuntuning sinusunod. Magpabago-bago man ito, nariyan pa rin ang mga alituntuning magsisilbing gabay sa wastong paggamit ng isang wika.

Tulad ng wikang Filipino, mayroong mga tiyak na alituntuning dapat sundin sa wastong paggamit nito – mapasalita man o mapasulat. Ang mga alituntuning ito ay napapaloob sa ating pambansang ortograpiya.


Kahulugan ng Ortograpiya

Ang salitang ortograpiya ay nagsimula sa mga salitang Griyego na ‘ortho’ na ibig sabihin ay wasto; at salitang Griyego/Latin na ‘graphia’ na ibig sabihin ay pagsulat.

Samakatuwid, ang Ortograpiya ay tumutukoy sa wastong pagsulat.

Ito ang sining ng tamang pagbaybay at pagsulat ng mga salita batay sa mga pamantayan o sa wastong gamit.

 

Kahulugan ng Ortograpiyang Filipino

Ang Ortograpiyang Filipino ay tumutukoy sa mga tuntunin kung paano sumulat nang wasto sa wikang Filipino.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento