I
Walang
unang pagsisi, ito'y laging huli
Daloy aking luha...daloy aking luha, sa gabing malalim
Sa iyong pag-agos, ianod mo lamang ang aking damdamin,
hugasan ang puso - yaring abang pusong luray sa hilahil
Nang gumaan-gaan ang pinapasan ko na libong tusin!
II
Nang ako'y musmos pa at bagong pamukad yaring kaisipan
May biling gayari si Ama't si Ina bago sumahukay
"Bunso, kaiingat sa iyong paglalakad sa landas
ng buhay,
ang ikaw ay mabuyo sa gawang masama'y dapat iwasan."
III
Ng kapalalua't ang aral ni Ama't ni Ina'y hinamak;
Sa
inalong dagat ng buhay sa mundo'y mag-isang lumayag,
Iniwan
sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggap
Nang
ako'y lumaki,ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak,aon na aking tinanggap
IV
Malayang
tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan
Na
ito'y huli na'y nakilalang alak na nanatay.
Ang
piangbataya'y dapat magpasasa sa kasalukuya't
Isang
"Bahala na!" ang tanging iniukol sa kinabukasan!
V
Kaya
naman ngayon,sa katandaan ko ay walang nalabi
Kundi
ang lasapin ang dila ng isang huling pagsisisi;
tumangis
s alabi ng sariling hukay ng pagkaduhagit
Iluha
ang aking palad na napakaapi!
VI
Daloy,
aking luha...Dumaloy ka ngayon at iyong hugasan
Ang
pusong nabagbag sa dagat ng buhay;
Ianod
ang dusang dulot ng tinamang nga kabiguan,
Nang yaring hirap ko't suson-susong sakit ay gumaan-gaan!
0 Mga Komento
Salamat sa pagbisita sa Hibarong Filipino.