Ad Code

PILIPINO AKO | Talambuhay ni Genoveva Edroza-Matute

 

Hibarong Filipino: Kilalanin si Genoveva Edroza-Matute sa kaniyang maikling talambuhay.


Isa si Genoveva Edroza-Matute sa mga tanyag na kuwentista. Ang kaniyang mga akda ay nagbigay ng dagdag kasiningan sa panitikang Pilipino. Ilan sa kaniyang obra ay patuloy na namamayagpag sa kasalukuyang henerasyon.

Ating kilalanin ngayon ang gurong kuwentistang si Genoveva Edroza-Matute

 

Maikling Talambuhay ni Genoveva Edroza-Matute

Ipinanganak si Genoveva Edroza-Matute noong ika-3 ng Enero, 1915 sa Maynila. Ang kaniyang mga magulang ay sina Anastacio Edroza at Maria Magdalena Dizon. Kilala si Genoveva sa palayaw na Aling Bebang.

Tinahak ni Genoveva ang pagiging isang guro. Nagtapos siya ng kursong Batsilyer sa Sekundaryang Edukasyon, Medyor sa Ingles at Doktorado sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nagturo siya ng animnapu’t taon (46). Noong 1980 ay nagretiro siya sa pagiging guro at naging tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino at naging dekana sa Philippine Normal College.

Ang kaniyang pagiging guro ay nadala niya sa larangan ng pagsulat. Higit na kinagiliwan si Genoveva Edroza-Matute sa kaniyang mga kuwentong pumapaksa sa pag-iisip ng isang bata at sa buhay ng isang guro. Ilan sa mga tanyag niyang kuwento ay ‘Kuwento ni Mabuti’ at ‘Paglalayag sa Puso ng Isang Bata’. Ang kaniyang kahusayan sa pagsulat ay nagdala ng iba’t ibang parangal.

Kinilala si Genoveva Edroza-Matute bilang kauna-unahang babaeng nagkamit ng parangal sa larangan ng pagsulat ng maikling kuwento.

Ikinasal siya kay Epifanio Gar. Matute. Kilala si Epifanio sa kaniyang programang panradyo na Kuwentong Kutsero na namayagpag sa mga taon ng 1950.

Sumakabilang-buhay si Genoveva Edroza-Matute noong ika-21 ng Marso, 2009 sa edad na 94.

 

 

Mga Parangal ni Genoveva Edroza-Matute

  • Nagwagi si Genoveva-Edroza Matute ng tatlong beses sa timpalak ng Don Carlos Palanca Award. Ang ‘Kuwento ni Mabuti’ na nagwagi ng unang puwesto noong 1950. Nagwagi ng ikalawang puwesto ang ‘Paglalayag sa Puso ng Isang Bata’ noong 1995. At nasa ikatlong puwesto ang kuwentong ‘Parusa’ noong 1961.
  • Republic Literature Awards ng National Commission for the Culture and Arts.
  • Kalinangan Award ng Maynila, 1967.
  • Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas, 1988.
  • Gawad CCP para sa Sining, 1992.
  • Lifetime Achievement Award for Literature na iginawad ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2005.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento