Ad Code

ORTOGRAPIYANG FILIPINO | Pantig: Kayarian, Pagpapantig, at Pag-uulit


Alamin ang kayarian ng pantig, ang paraan ng pagpapantig, at ang tuntunin sa pag-uulit ng isang pantig.

Ba, be, bi, bo, bu. Ka, ke, ki, ko, ku. Ito ang naging unang hakbang ng bawat batang Pilipino upang makapagbasa ng isang salita. Ang tawag natin sa mga ito ay pantig. Alamin natin ngayon ang pantig sa istruktura ng wikang Filipino.


Pantig

Ang pantig ay yunit ng isang tunog na binubuo ng isang patinig o mga katinig at patinig.

  • Ang bawat patinig (a/e/i/o/u) ay isa nang pantig.
  • Kailangan ng bawat katinig ang isang patinig upang maging isa itong pantig.

 

Kayarian ng Pantig

Ang isang pantig ay maaaring mabuo gamit lamang ang isang patinig o ng magkasamang patinig at katinig. Maaari din itong mabuo sa pagsasama ng dalawa o higit pang katinig at isang patinig.

Narito ang kayarian ng mga pantig:

(K – katinig, P – patinig)

Kayarian

Halimbawang Salita

P

a - so

KP

ba - ta

PK

is - da

KPK

mul - to

KKP

tro - pa

PKK

eks  - perto

KPKK

ling - go

KKPK

trum - po

KKPKK

tsart

KKPKKK

shorts

 

Pagpapantig

Ito ang paraan ng paghahati sa isang salita sa mga pantig na ipinambuo rito. Nakabatay ito sa grapema o sa mga nakasulat na simbolo.

Halimbawa:

  •          ba•ta – bata
  •          ma•gan•da – maganda
  •          mag•su•mi•kap – magsumikap

Narito ang ilang tuntunin sa pagpapantig:

1.    Kapag may magkasunod na dalawa o mahigit pang patinig sa unahan, sa gitna, o sa hulihan ng salita, ito ay pinaghihiwalay.

Halimbawa:

  •         aasa - a•a•sa
  •         alaala - alaala
  •        totoo - to•too

2.      Kapag may dalawang magkasunod na katinig sa isang salita, isinasama sa kasunod na pantig ang ikalawang katinig.

Halimbawa:

  •      paksa - paksa
  •     aklat - aklat
  •     tukso - tukso

3.      Kapag may tatlong magkakasunod na katinig sa isang salita, isinasama sa kasunod na pantig ang ikatlong katinig.

Halimbawa:

  •         eksperto - eksper•to
  •          inspirasyon - inspi•ras•yon
  •          Instagram - Instag•ram

4. Kapag ang una sa tatlong makakasunod na katinig ay M o N at sinusundan ito ng mga katinig na BL, BR, DR, PL, o TR, isinasama sa kasunod na pantig ang huling dalawang katinig (BL, BR, DR, PL, o TR).

Halimbawa:

  •          asemblea - a•semble•a
  •          templo - templo
  •          timbre - timbre

5. Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa isang salita, isinasama sa kasunod na pantig ang huling dalawang katinig.

Halimbawa:

  •          eksplosibo - eksplo•si•bo
  •          transplant - transplant
  •          ekspresyon - ekspres•yon

 

Pag-uulit ng Pantig

Narito ang ilan sa mga tuntunin kapag inuulit ang pantig ng isang salita:

1.      Kapag ang pantig ay naglalaman lamang ng isang patinig, ito ay inuulit nang buo.

Halimbawa:

  •          asa (a•sa) – aasa (aa•sa)
  •          ibig (i•big) – iibig (ii•big)
  •          mag-aral (mag•a•ral) – mag-aaral (mag•aa•ral) 

2.      Kapag ang pantig ay naglalaman ng KP (katinig-patinig), inuulit ito nang buo.

Halimbawa:

  •          tayo (ta•yo) – tatayo (tata•yo)
  •          kain (ka•in) – kakain (kaka•in)
  •          maglaro (mag•la•ro) – maglalaro (mag•lala•ro)

3. Kapag ang isang pantig ay naglalaman ng dalawa o mahigit pang katinig, ang unang katinig at patinig lamang ang uulitin.

Halimbawa:

  •          magplano (mag•pla•no) – magpaplano (mag•papla•no)
  •          trabahuin (tra•ba•hu•in) – tatrabahuin (tatra•ba•hu•in)

Nagaganap din ito maging sa mga salitang banyagang hindi pa nababaybay sa Filipino.

Halimbawa:

  •         mag-bless (mag•bless) – magbe-bless (mag•bebless)
  •          nag-troll (nag•troll) – nagto-troll (nag•totroll)

Gayunpaman, maituturing na varyant ang pag-uulit sa unang dalawang katinig at patinig sa pantig ng salita.

Halimbawa:

  •          mag-bless (mag•bless) – magble-bless (mag•blebless)
  •          nag-troll (nag•troll) – nagtro-troll (nag•trotroll)

 

 

Sanggunian:

Virgilio, Almario S., KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat, Maynila: Komisyon ng Wikang Filipino, 2014. pdf


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento