Ad Code

TULA | Isang Punongkahoy ni Jose Corazon de Jesus

TULA | Isang Punongkahoy ni Jose Corazon de Jesus


Kung tatanawin mo sa malayong pook,
ako'y tila isang nakadipang krus;
sa napakatagal na pagkakaluhod,
parang hinahagkan ang paa ng Diyos.

Organong sa loob ng isang simbahan
ay nananalangin sa kapighatian,
habang ang kandila ng sariling buhay,
magdamag na tanod sa aking libingan...

Sa aking paanan ay may isang batis,
maghapo't magdamag na nagtutumangis;
sa mga sanga ko ay nangakasabit
ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
at tsaka buwang tila nagdarasal,
ako'y binabati ng ngiting malamlam!

Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,
batis sa paa ko'y may luha nang daloy.

Ngunit tingnan niyo ang aking narating,
natuyo, namatay sa sariling aliw;
naging krus ako ng magsuyong laing
at bantay sa hukay sa gitna ng dilim

Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
panakip sa aking namumutlang mukha;
kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!

At iyong isipin nang nagdaang araw,
isang kahoy akong malago't malabay;
ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,
dahon ko'y ginawang korona sa hukay.

Mag-post ng isang Komento

1 Mga Komento

  1. MGM Resorts Announces Plans To Purchase 777 Casino
    the Casino Resort 여수 출장샵 in Las Vegas and 서울특별 출장마사지 the Mirage, 상주 출장안마 Nevada, 화성 출장마사지 U.S. market has reached its 강릉 출장샵 conclusion. The Mirage is a casino hotel and

    TumugonBurahin

Salamat sa pagbisita sa Hibarong Filipino.