Ponemang Suprasegmental
Kung ating babalikan, ang Ponema ay tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog. Nahahati ito sa dalawang pangkat: Ponemang Segmental at Ponemang Suprasegmental.
Ponemang Segmental ang tawag sa mga ponemang tinutumbasan ng mga titik. Kabilang sa ponemang segmental ang mga katinig, patinig, pares minimal, mga ponemang malayang nagpapalitan, diptonggo, at klaster.
Sa araling ito, atin namang
aalamin ang Ponemang Suprasegmental.
Ponemang Suprasegmental
Ang Ponemang Suprasegmental ay mga yunit ng tunog na hindi tinutumbasan ng anumang titik o letra. Sa halip, ito ay kinakatawanan ng mga notasyong ponemiko upang malaman ang wastong pagbigkas sa mga salita.
Halimbawa:
Notasyong Ponemiko
- /./ - paghahaba ng patinig
- / / - walang paghahaba
Notasyon |
Paraan ng Pagbigkas |
Kahulugan |
/bu.hay/ |
may paghahaba sa
patinig ‘u’ |
‘life’ |
/buhay/ |
walang anumang
paghahaba sa mga patinig ng salita |
‘alive’ |
Ipinapaalala rin ng notasyong ponemiko na walang salita o pantig na nagsisimula o nagtatapos sa patinig (a, e, i, o, u) ang nagsisimula o nagtatapos mismo sa mga tunog-patinig. Bagkus, ang mga pantig o salitang nagsisimula sa patinig ay nag-uumpisa sa glottal o impit na tunog (Ɂ). Ang mga salita namang nagtatapos sa patinig ay nagtatapos din sa impit na tunog (Ɂ) o kaya sa impit na pasutsot (ah)
Tingnan ang mga halimbawa:
- aso - /Ɂa.soh/ - “dog”
- gabi - /ga.bih/ - “night”
- gabi - /gabih/ - “yam”
- kaibigan - /kaɁi.bigan/ - “friend”
- kaibigan - /kaɁibigan/ - “lover”
Ang ponemang suprasegmental ay nauuri
sa tatlo: tono/intonasyon, haba at diin,
at antala.
Tono/Intonasyon
Tono o Intonasyon ang tawag sa pagtaas o pagbaba ng tinig o tono kapag tayo ay nagsasalita. Ang pagtaas at pagbaba ng tono ay naghuhudyat ng pagbabago sa kahulugan ng salita o sa kahulugan ng pahayag.
Halimbawa rito ang mga tonal na wika. Masasabing tonal ang isang wika kung ang kahulugan ng isang salita o pahayag ay nagbabago sa sandaling magbago rin ang tono sa pagbigkas. Pansinin kung paano magbago ang kahulugan ng salitang ‘ma’ sa wikang Mandarin depende sa tono ng pagbigkas.
- mā (妈)
– pantay at mataas ang tono ng pagbigkas
– ‘nanay’
- má
(麻) – pataas ang
tono ng pagbigkas – ‘abaka’ o ‘manhid’
- mà
(骂) – pababa ang
tono ng pagbigkas – ‘kagalitan’ o ‘pagsabihan’
- mǎ (马) – pababa-pataas ang tono ng pagbigkas – ‘kabayo’
Sa wikang Filipino, ang pagtaas at pagbaba ng tono ay maaaring magpakita ng tindi ng damdamin o ng pamamaraan ng pagpahahayag. Tingnan ang halimbawa sa ibaba:
Maaari din itong maganap sa mga pangungusap.Haba at Diin
Ang Haba ay tumutukoy sa kung gaano kahaba natin dapat bigkasin ang isang pantig ng salita. Ang Diin naman ay tumutukoy sa lakas o bigat ng pagbigkas sa isang pantig ng salita. Ang haba at diin ay kalimitang magkasama sapagkat kapag humahaba ang pagbigkas sa isang pantig ng salita ay nabibigyan din ito ng diin.
Mahalaga ang haba at diin sa Filipino sapagkat marami tayong mga salitang magkapareho ng baybay ngunit nagkaiiba sa haba at diin ng pagbigkas.
Notasyong Ponemiko /./ - paghahaba
ng patinig / / - walang
paghahaba Ɂ -
glottal o impit ah – impit
na pasutsot |
Halimbawa:
- puno - /pu.noɁ/ - ‘tree’
- puno - /punoɁ/ - ‘full’
- magnanakaw - /magnana.kaw/ - ‘thief’
- magnanakaw - /magna.na.kaw/ - ‘will steal’
- tubo - /tu.boh/ - ‘pipe’
- tubo - /tuboɁ/ - ‘sugar cane’
- paso - /pa.soɁ/ - ‘burn’
- paso - /pasoɁ/ - ‘flower pot’
Antala o Hinto
Ang Antala o Hinto ay saglit na pagtigil o paghinto sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng nais na ipahayag. Ito ay maaaring saglit na paghinto sa gitna ng pahayag o pangungusap o kaya’y sa katapusan ng pangungusap.
Sa pagsulat, ang saglit na paghinto sa gitna ng pangungusap ay kalimitang kinakatawanan ng kuwit (,); samantala, ang ganap na paghinto sa katapusan ng pangungusap ay kadalasang kinakatawanan ng tuldok (.).
Pansinin ang mga halimbawa ng pangungusap sa ibaba:
Notasyong
Ponemiko / - saglit
na paghinto // - ganap
na paghinto |
Pangungusap |
Kahulugan |
Hindi ako ang nakabasag
niyan// |
Simpleng ipinapahayag ng
nagsasalita ang pagtanggi sa nangyari. |
Hindi / ako ang nakabasag
niyan// |
Inaako ng nagsasalita ang
kasalanan sa pangyayari. |
Hindi ako / ang nakabasag
niyan// |
Mariing itinatanggi ng
nagsasalita na hindi siya ang may kasalanan. |
Sanggunian:
- Alcaraz, Cid V, Jocson Magdalena O., at Villafuerte, Patrocinio V. Filipino 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Lungsod Quezon: Lorimar Publshing Co., Inc., 2005.
- Delgado-Oliverio, Doona G. “Ang Ponemika”. Slideshare. 9 Setyembre 2020. https://www.slideshare.net/dawnnah/ang-ponemika
- Catipay, Edward P. Filipino – Ikapitong Baitang: Ikatlong Markahan – Modyul 1: Wika: Ponemang Suprasegmental. Lungsod ng Koronadal, 2020. pdf. https://depedtambayan.net/wp-content/uploads/2022/02/FIL7-Q3-MODYUL1.pdf
- “Learn 4 Mandarin Tones through 妈麻马骂”. iChineseLearning, [w.p.]. https://www.ichineselearning.com/easy-chinese/mandarin-tones.html
0 Mga Komento
Salamat sa pagbisita sa Hibarong Filipino.