Uri ng Pangngalan ayon sa Konsepto
Sa nakaraang aralin, napag-alaman ang dalawang uri ng pangngalan ayon sa kayariang pansemantika nito. Maliban diyan, maaari ding mauri ang pangngalan ayon sa konsepto nito.
Uri ng Pangngalan ayon sa Konsepto
Ang Pangngalan ay may 2 uri ayon sa konsepto:
1. Tahas o Konkreto
Karamihan sa mga pangngalan ay nabibilang sa tahas o konkreto. Ito ang mga pangngalan kayang damahin ng limang pandama: paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, o pandama. Karaniwan sa mga pangngalang nabibilang dito ay materyal o nahahawakan.
Halimbawa: hangin, aso, kapatid, aklat, selpon
May 2 Uri ng Pangngalang Tahas o Konkreto:
A. Lansakan
Ito ay mga pangngalang tumutukoy sa ngalan ng isang pangkat o grupo.
Halimbawa: batalyon, pamilya, banda, klase
B. Di-Lansakakan
Ito ay tumutukoy sa mga pangngalang isinasaalang nang isa-isa.
Halimbawa:
guro, lapis, laruan, sundalo, mag-aaral, anak, magulang
2. Basal o Abstrak
Ang mga pangngalang basal o abstrak ay mga pangngalang hindi nadarama gamit ang alinman sa limang pandama ng tao. Karamihan, ang mga pangngalang nabibilang dito ay ngalan ng isang diwa o kaisipan.
Halimbawa:
pag-ibig, kapayapaan, katalinuhan, oras, kalayaan
0 Mga Komento
Salamat sa pagbisita sa Hibarong Filipino.