Uri ng Pangngalan ayon sa Kayarian
Sa araling ito, ating tatalakayin ang apat na paraan kung paano nabubuo ang mga salitang pangngalan.
Kayarian ng Pangngalan
1. Payak
Ito ay mga pangngalang binubuo lamang ng salitang ugat. Hindi ito kinakabitan ng anumang panlapi o salita.
Halimbawa:
- ama
- bata
- aso
- bahay
2. Maylapi
Ito ay mga pangngalang binubuo ng salitang ugat at panlapi.
Halimbawa:
- pa- + aral + -an = paaralan
- ka- + ibig + -an = kaibigan
- ina + -hin = inahin
- ka- + klase = kaklase
3. Inuulit
Ito ay mga pangngalang nabubuo sa pamamagitan ng pag-uulit ng salitang ugat. Maaari itong maging ganap o di-ganap na pag-uulit.
Halimbawa:
4. Tambalan
Ito ay mga pangngalang nabubuo sa pamamagitan ng pagtatambal o pagsasama ng dalawang salitang ugat.
Halimbawa:
- kasama + bahay = kasambahay
- anak + pawis = anak-pawis
- bahay + kubo = bahay kubo
- kapit + bahay = kapitbahay
- silid + kain + -an = silid-kainan
- bahag + hari = bahaghari

0 Mga Komento
Salamat sa pagbisita sa Hibarong Filipino.