Ad Code

ESTRUKTURANG FILIPINO | Uri ng Pangngalan ayon sa Kailanan

Kailanan ng Pangngalan

Halina't ating alamin ang kailanan ng pangngalan.


Sa araling ito, ating tatalakayin ang mga kailanan ng pangngalan.


Kailanan ng Pangngalan

Ito ay tumutukoy sa dami o bilang ng isang pangngalan. Maaaring mabago ang bilang ng pangngalan gamit sa tulong ng iba pang mga salita.


1. Isahan

Ang bilang ng pangalan ay isa lamang.


Mga Hudyat:

A. Paggamit ng mismong pangngalan.

Hal:

  • Ang ina ay nagluluto.
  • Tunay na mayaman sa kultura ang Pilipinas.


B. Paggamit ng pang-uring “isa”.

Hal.

  • Ako ay mayroon lamang isang mansanas.
  • Siya ay may isang kaibigan.


C. Paggamit ng isahang pantukoy: ang, si, kay, atbp.

Hal.

  • Ang bata ay nadapa sa kalsada.
  • Si Nena ang hinirang na nagwagi sa timpalak ng pag-awit.
  • Ang lapis na ito ay kay Anna.


2. Dalawahan

Ang bilang ng pangalan ay dalawa.


Mga Hudyat:

A. Paggamit ng pang-uring “dalawa”.

Hal.

  • Ang dalawang mag-aaral ay nahuli sa klase.
  • Bumili ako ng dalawang mansanas sa tindahan.


B. Pagkakabit ng unlaping “mag-” sa pangngalan.

Hal.

  • Kami ay magkaibigan lamang.
  • Ang mag-ina ay sabay na nagtungo sa simbahan.


3. Maramihan

Ang bilang ng pangngalan ay tatlo o higit pa.


Mga Hudyat:

A. Paggamit ng mga pantukoy na maramihan: ang mga, sina, kina, ng mga, atbp.

Hal.

  • Ang mga estudyante ay tahimik na nakikinig sa kanilang guro.
  • Sina Jose, Maria, at Anna ay matalik kung mga kaibigan.
  • Ang proyektong ito ay gawa nina Maria, Josefa at Georgia.
  • Bumili ako ng mga gamot sa botika.


B. Paggamit ng pang-uring pamilang.

Hal.

  • Ako ay may sampung daliri.
  • Tatlong daang manonood ang dumalo sa konsiyerto.


C. Paggamit ng unlaping “mag-” at pag-uulit sa unang pantig ng pangngalan.

Hal.

  • Ang mag-iina ay masayang kumakain sa parke.
  • Kami ay malapit na magkakaibigan.



Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento