Bahagi ng Pangungusap
Sa tulong ng mga pangungusap, mas malinaw nating naipahahayag ang nais nating sabihin. Kaya, mahalagang mabatid ng ninuman ang mga bahagi ng pangungusap sa estrukturang Filipino.
Sa araling ito ating tatalakayin ang kahulugan at bahagi ng pangungusap.
Pangungusap
Ang pangungusap ay lipon ng mga salitang may buong diwa. Masasabing ito ay may buong diwa kung nauunawaan ng tagapakinig, kausap, o mambabasa ang nais ipahayag o sabihin ng mga lipon ng mga salita.
Hal:
Si Ana ay naglalakad sa dalampasigan.
Natulog sa amin si Kiko.
Tumakbo ang mga bata.
Sila ay nagdiwang ng kanilang pagkapanalo.
Upang makabuo ng isang pangungusap, sa karaniwang alituntunin, ito ay dapat nagtataglay ng simuno/paksa at panaguri.
Bahagi ng Pangungusap
Simuno o Paksa
Simuno ang tawag sa pinag-uuapan o paksa sa pangungusap. Maaari itong pangngalan o panghalip. Karaniwan itong pinanandaan ng mga pantukoy na ang/ang mga at si/sina.
Hal:
- Si Ana ay naglalakad sa dalampasigan.
- Tumakbo ang mga bata.
Uri ng Simuno
A. Payak na Simuno
Tumutukoy ito sa mismong pangngalan o panghalip na siyang pinakasimuno o pinakapaksa ng pangungusap.
Hal:
- Si Ana ay naglalakad sa dalampasigan.
- Tumatakbo ang mga bata.
- Sina Jose at Maria ay matalik na magkaibigan.
B. Buong Simuno
Binubuo ito ng payak na simuno at ng iba pang salitang bumubuo sa simunong pararila ng pangungusap.
Hal:
- Si Ana ay naglalakad sa dalampasigan.
- Tumatakbo ang mga bata.
- SIna Jose at Maria ay matalik na magkaibigan.
Panaguri
Panaguri ang tawag sa bahagi ng pangungusap na naglalahad ng impormasyon ukol sa simuno. Sa di-karaniwang anyo ng pangungusap, pinanandaan ito ng ingklitik na ay.
Hal:
Si Ana ay naglalakad sa dalampasigan.
Tumatakbo ang mga bata.
Si Jose ay mabait at matulungin na mag-aaral.
Uri ng Panaguri
A. Payak na Panaguri
Ito ay salita na tiyak na naglalarawan o naglalahad ng impormasyon ukol sa simuno ng paksa.
Hal:
- Si Ana ay naglalakad sa dalampasigan.
- Tumatakbo ang mga bata.
- Si Jose ay mabait at matulungin na mag-aaral.
B. Buong Panaguri
Binubuo ito ng payak na panaguri at ng iba pang mga kasamang sa salita sa panaguring pararila ng pangungusap.
Hal:
- Si Ana ay naglalakad sa dalampasigan.
- Tumatakbo ang mga bata.
- Si Jose ay mabait at matulungin na mag-aaral.
Pag-aralan ang halimbawa ng paghihimay sa mga pangungusap sa ibaba:

0 Mga Komento
Salamat sa pagbisita sa Hibarong Filipino.