Mga Maimpluwensiyang Panitikan sa Daigdig
Mga aklat at panitikan ang naging pangunahing tagapag-ingat ng ating kasaysayan at kultura. Sinasalamin ng bawat limbag na mga titik nito ang kultura, tradisyon, pamumuhay, at panahon ng isang kabihasnan. Ginagamit ito hindi lamang punan ang nawawalang kaalaman kung hindi maging gabay para sa kinabukasan. Sa pagdaan ng maraming panahon, marami na ring panitikan ang nailimbag. Ngunit may iilang nagbigay ng higit na impluwensiya sa paniniwala at pamumuhay ng isang bansa.
Narito ang mga maimpluwensiyang panitikan sa buong mundo.
Mga Maimpluwensiyang Panitikan sa Daigdig
1. Banal na Kasulatan o Bibilya
Ito ang naging pinakabatayan ng pananampalatayang Kristiyano sa buong daigdig. Nagmula ito sa Palestina at Gresia. Nahahati ito sa dalawang aklat: Ang Lumang Tipan at Ang Bagong Tipan.
2. Koran
Ito ang banal na kasulatan ng Islam na pangunahing pinagbabatayan ng kanilang pananampalataya. Nagmula ito sa Arabia at itinuturing bilang pinakamarikit na panitikan sa Arabe. Nahahati ito sa 114 na kabanata o surah na naglalaman ng mga salita ni Allah kay Muhammad.
3. Epiko ni Gilgamesh
Ito ang pinakaunang epiko na nagmula sa sinaunang kabihasnan ng Mesopotamia. Itinuturing ito bilang pinakamatandang umiiral na dakilang likha ng panitikan. Ito ay umiikot sa buhay ni Gilgamesh na isang mayabang at abusadong hari ng Uruk.
4. Iliad at Odyssey
Ito ay sinulat ni Homer na kinatutuhan ng kaligiran ng mitolohiya at alamat ng Gresya. Tumatalakay ang mga aklat na ito sa pananakop ng mga Griyego sa lungsod ng Troy.
Ang Iliad ay hango sa salitant Ilion na isa pang tawag sa Troy. Nagsasalaysay ito ng pakikipagsapalaran ng mga bayaning Griyego. Itinuturing ito bilang pinakamaaga at pinakatanyag na akda mula sa panitikan ng Gresya.
Ang Odyssey ay hango sa pangalan ni Haring Odysseus na hari ng Ithaca. Ito ay naglalahad ng pakikipagsapalran ni Haring Odysseus matapos ang Digmaang Trojan.
5. Mahabharata
Pinaniniwalaang isinulat ito ni Vyasa. Ito ay nagmula sa India na pumapaksa sa kanilang kasaysayan at pananampalataya. Itinuturing itong pinakamahabang epiko sa buong daigdig na naglalaman ng mahigit 100,000 berso o tinatayang 200,000 taludtod.
Ito ay kuwento ng matinding alitan at digmaan sa pagitan ng mga angkan ng Pandava at Kaurava para sa trono ng kaharian ng Hastinapura.
6. La Divina Comedia
Isinulat ito ni Dante Alighieri. Nagpapahayag ito ng moralidad, pananampalataya, at pag-uugali ng mga Italyano. Itinuturing itong pinakadakilang akdang pampanitikan na nakasulat sa wikang Italyano at isang obra maestra ng panitikang pandaigdig.
Ito ay naglalahad ng paglalakbay ni Dante sa Inferno, Purgatorio at Paradiso. Alegorya ito ng paglalakbay ng kaluluwa ng tao patungo sa Diyos.
7. El Cid Compeador
Ito ay naglalarawa sa katangiang panlahi ng mga Kastila, sa kanilang alamat, at sa kasaysayan ng Espanya. Umiikot ang epikong ito kay Rodrigo “Ruy” Diaz de Vivar na pambansang bayani ng Espanya.
8. Awit ni Rolando
Naglalaman ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransiya. Isinasalaysay dito ang gintong panahon ng Kistiyanismo at ng dating makulay na kasaysayan ng Pransiya. Ito ay base sa historikal na The Battle of Roncevaux Pass na naganap noong Agosto 15, 778.
Umiikot ang paglalahad na ito kay Roland, isang mandirigmang pamangkin ni Haring Charlemagne.
9. Aklat ng mga Araw
Naglalaman ito ng mga klasikong aklat na mahalaga sa tradisyunal na edukasyon at kultura ng Tsina. Kinapapalooban ito ng Limang Klasiko at Apat na Aklat na bahagi ng Confucian Canon na naglalahad ng mga aral at pilosopiya ni Confucius at kaniyang mga tagasunod.
Limang Klasiko
1. Libro ng Tula. Klasikong koleksiyon ng 305 tula at awit mula sa sinaunang Tsina.
2. Libro ng Kasaysayan. Koleksiyon ng mga kasaysayan, ulat, at dokumento tungkol sa pamahalaan at lipunang Tsino.
3. Libro ng Ritwal. Kinapalolooban ng mga ritwal, seremonya, at mga panununtunan na nagpapakita ng tamang pamumuhay at pag-uugali.
4. Libro ng Pagbabago. Aklat na naglalaman ng mga pagbabago at prediksiyon na gumagamit ng mga hexagram upang maunawaan ang mga pangyayari sa mundi at ang mga moral na aral na maaaring matutunan mula rito.
5. Libro ng Tagsibol at Taglagas. Kronolohiyang tala ng mga mahahalagang pangyayaring naganap sa estado ng Lu na lugar ng kapanganakan ni Confucius.
Apat na Aklat
1. Dakilang Karunungan. Isinulat ng isang alagad ni Confucius na si Zengzi. Nagtuturo ito kung paano makakamit ang Dao o tamang paraan ng pamumuhay.
2. Doktrina ng mga Aba. Ito ay nakasentro sa konsepto ng gitnang landas o pagiging balanse sa lahat ng bagay.
3. Analects. Koleksiyo ng mga kasabihan, mga pahayag, at mga turo na nagmula sa mga salaysay at mga diskusyon na naganap sa pagitan ni Confucius at kaniyang mga alagad.
4. Mencius. Naglalaman ng mga turo at pilosopikal na ideya ng Tsinong pilosopo na si Mencius.
10. Aklat ng mga Patay
Nagmula ito sa Ehipto. Ito ay koleksiyon ng mga dasal at orasyon para magbigay ng kaalaman at kapangyarihan sa namatay upang magtagumpay sa kaniyang paglalakbay sa kabilang buhay. Nagpapakita ito ng tradisyon ng mga taga-Ehipto sa kamatayan. Karaniwan itong nakikita sa piramide na nakasulat sa heiroglyphics.
11. Isang Libo’t Isang Gabi
Ito ay akdang nagmula sa Arabi at Persia na naglalarawan ng pamahalaan, kabuhayan, at lipunan ng mga Arabo at Persiya. Naglalaman ito ng 1,001 kuwentong isinalaysay ni Sharazad sa loob ng 1,001 gabi upang maligtas ang kaniyang sarili mula sa haring asawa na si Sharyar. Kabilang sa mga kuwentong ito ang tunkol sa mandaragat na si Aladin.
12. Canterbury Tales
Isinulat ito ni Geoffrey Chaucer. Ito ay nagalarawan sa pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon.
Naglalaman ito ng 24 kuwento na isinalaysay ng grupo ng mga paregrino habang sila ay naglalakbay patungo sa dambana ni St. Thomas sa Canterbury.
13. Uncle Tom’s Cabin
Isinulat ito ni Harriet B. Stowe. Ito ang nagbukas sa mga mata ng mga Amerikano sa pang-aaping nararanasan ng mga lahing itim na nagbunsod sa paglaganap ng demokrasya sa buong daigdig.
Umiikot ang kuwento ni kay Uncle Tom na isang relihiyosong alipin na makailang beses na ipinambayad sa utang ng mga naging amo.
14. Count of Monte Cristo
Isinulat ito ni Alexandre Dumas noong panahon ng Bourbon Restoration sa Pransiya. Umiikot ang kuwentong ito sa paghihiganti ni Edmond Dantes sa mga taong nagtaksil sa kaniya.
Sinasabing ang kuwentong ito ay isa sa mga paboritong kuwento ni Jose P. Rizal na nagsilbi ring kaniyang inspirasyon sa pagsulat ng kaniyang mga nobela.
Mga Sanggunian
- “Modyul BLG. 1-2: Panitikan at mga Impluwensiya nito”. Studoco. https://www.studocu.com/ph/document/lorma-colleges/nursing/modyul-none/41486797
- Agular, Kristine A., “The Count of Monte Cristo”. Scribd. https://www.scribd.com/document/50200099/rizal
- Esmedilla, Rafael James (naglathala), “La Divina Comedia”. Scribd. https://www.scribd.com/presentation/356054074/La-Divina-Comedia
- Gould, Karen, Ball, Jane L., “The Canterbury Tales by Geoffrey Chaucer”. EBSCO. 2013. https://www.ebsco.com/research-starters/literature-and-writing/canterbury-tales-geoffrey-chaucer
- Montero, Shianne (naglathala), “AKLAT NG MGA ARAW”. Scribd. https://www.scribd.com/presentation/829597359/Aklat-Ng-Mga-Araw-Updated
- Pacimos, Joana Mae Carla D., “PAGSUSURI SA AKDANG MAHABHARATA.” Scribd. https://www.scribd.com/document/692001057/PAGSUSURI-SA-MAHABHARATA
- Rocinegallegocbam (naglathala), “3-Illiad at Odyssey”. Scribd. https://www.scribd.com/document/743958131/3-ILLIAD-AT-ODYSSEY
- Ser Diac’s Filipinology, “ANG KAPANGYARIHAN NG PANITIKAN | MGA MAIMPLUWENSYANG AKDA SA PILIPINAS AT SA DAIGDIG”. YouTube. 21 Setyembre 2021. https://www.youtube.com/watch?v=PxvlQBPzg4s
- Smurfindoor (naglathala), “Awit ni Rolando”. Scribd. https://www.scribd.com/document/681435810/AWIT-NI-ROLANDO
- Tampelic, Jean (naglathala), “Aklat ng mga Patay”. Scribd. https://www.scribd.com/document/706577487/9-AKLAT-NG-MGA-PATAY

0 Mga Komento
Salamat sa pagbisita sa Hibarong Filipino.