Ad Code

WIKA | Pagkasunod-sunod ng mga Mahahalagang Pangyayari (Timeline) sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas

Hibarong Filipino: Alamin ang pagkasunod-sunod ng mga mahahalagang pangyayari (timeline) sa kasaysayan ng wikang pambansa ng Pilipinas.



Upang lubusang makilala ang ating wikang pambansa, narito ang mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan nito:

 

1896 | Saligang Batas ng Biak-na-Bato

Tagalog ang magiging wikang opisyal ng Pilipinas.

 

1901 | Batas blg. 74

Ingles ang naging wikang opisyal at wikang panturo sa bansa.

 

1932 | Panukalang Batas Blg. 577 ng Philippine Legislature

Nag-uutos sa Kalihim ng Public Instruction na gamitin ang Tagalog bilang wikang panturo sa taong panuruang 1932 -1933.

 

1935 | Saligang Batas Artikulo XIV Sek. 3 (Pebrero 8)

Ang kogreso ay gagawa ng mga hakbang tungkol sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.

 

1936 | Batas Komonwelt Blg. 184 (Nobyembre 13)

Paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa na nakatalagang pumili ng isang katutubong wika na magiging batayan ng wikang pambansa.

 

1937 | Enero 12

Paghirang sa mga kagawad ng Surian ng Wikang Pambansa.

  • Jaime C. De Veyra (Samarento – Bisaya) – Tagapangulo
  • Cecilio Lopez (Tagalog) – Kalihim / Punong Tagapagpaganap
  • Felix Salas Rodriguez (Hiligaynon – Bisaya) – Kagawad
  • Santiago A. Fonancier (Ilokano – Bisaya) – Kagawad
  • Casimiro Perfecto (Bikol) – Kagawad
  • Isidro Abad (Cebu – Bisaya) – Kagawad
  • Jose Zulueta (Pangasinan) – Kagawad
  • Hadji Buto (wika ng mga minoryang kultural) – Kagawad

 

1937 | Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (Disyembre 30)

Tagalog ang siyang magiging batayan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas.

 

1940 | Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (Abril 1)

Pagpapalimbag ng mga disksyunaryo at aklat pambalarila ng Wikang Pambansa. Simula Hunyo 19, 1940 ay ituturo ang Wikang Pambansa sa lahat ng paaralan.

 

1946 | Batas Komonwelt Blg. 570 (Hunyo 4)

Nagpapatibay na ang wikang pambansa ng Pilipinas na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay magiging isa sa opisyal na wika ng bansa.

 

1954 | Proklama Blg. 12 (Marso 26)

Sa utos ni Pangulong Ramon Magsaysay, idiriwang ang Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29 hanggang Abril 4, at pagdiriwang sa araw ni Balagtas sa Abril 2.

 

1955 | Proklama Blg. 186 (Setyembre 23)

Inililipat ang taunang Linggo ng Wikang Pambansa sa Agosto 13 hanggang Agosto 19 bilang pagkilala kay Manuel L. Quezon.

 

1959 | Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (Agosto 13)

Sa pamamahala ng Kalihim ng Edukasyon na si Jose B. Romero, tatawaging Pilipino ang wikang pambansa ng Pilipinas bilang pamalit sa nauna nitong mahabang pangalan.

 

1962 | Kautusang Pangkagawaran Blg. 24

Simula sa taong panuruang 1936 -1934, ang mga diploma at sertipiko ng mga magsisipagtapos ay ipalilimbag na may salin sa wikang Pilipino.

 

1967 | Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (Oktubre 24)

Sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, ang pangalan ng lahat ng mga gusali, edipisyo, at tanggapan ng pamahalaan ay nasa wikang Pilipino.

 

1968 | Memorandum Sirkular Blg. 172 (Marso 27)

Binigyang diin ni Rafael M. Salas, Kalihim, ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96. Iniatas na ang mga letterhead ng mga kagawaran, tanggapan, at sangay ng pamahalaan ay nasusulat sa Pilipino kalakip ang Ingles. Inpinag-utos ring ang pomularyo sa panunumpa sa tungkulin ng mga kawani at pinuno ng pamahalaan ay nasa wikang Pilipino.

 

1968 | Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos na ang kagawaran, kawani, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan ay gagamit ng wikang Pilipino sa mga opisyal na pampamahalaang transaksyon at komunikasyon.

 

1970 | Resolusyon Blg. 70

Pilipino ang wikang gagamitin sa pagtuturo sa elementarya.

 

1971 | Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 (Marso 16)

Pagbuo ng panibagong Surian ng Wikang Pambansa.

  • Ponciano BP. Pineda (Tagalog) – Tagapangulo
  • Lino A. Arquiza (Cebuano) – Kagawad
  • Nelia Guanco Casambre (Hiligaynon) – Kagawad
  • Lorenzo G. Cesar (Samar – Leyte) – Kagawad
  • Clodualdo H. Leodacio (Bikol) – Kagawad
  • Juan L. Manuel (Pangasinan) – Kagawad
  • Alejandro Q. Perez (Pampanga) – Kagawad
  • Mauyag M. Tamano (Tausug; wikang minorya) – Kagawad

 

1973 | Resolusyon Blg. 73-7 ng Pambansang Lupon ng Edukasyon

Isasama ang Pilipino at Ingles sa kurikulum mula unang baitang ng mababang paaralan hanggang sa kolehiyo mapribado man o pampubliko.

 

1973 | Saligang Batas Artikulo XIV Sek. 3

Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino.

 

1974 | Kautusang Pagkagawaran Blg. 25 (Hunyo 9)

Ipinatupad ni Kalihim Juan L. Manuel ang Patakarang Edukasyon Bilinggwal sa mga paaralan mula sa taong panuruan 1974 – 1975. Ito ay nag-uutos ng magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo ng mga tiyak na asignatura.

 

1978 | Kautusan Blg. 22 (Hulyo 21)

Iniutos ni Juan L. Manuel ang pagtuturo ng Pilipino sa kolehiyo na may 6 na yunit.

 

1987 | Saligang Batas Artikulo XIV Seksyon 6

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Itinalaga ring wikang opisyal ang Filipino at Ingles.

 

1987 | Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117

Nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino ang pagbuo ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) bilang pamalit sa dating Surian ng Wikang Pambansa (SWP) upang sa patuloy na pagsasaliksik at pagpapaunlad ng wikang pambansa.

 

1991 | Batas Republika Blg. 7104

Itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) bilang pagsunod sa itinadhana ng Saligang Batas 1987.

 

1997 | Proklamasyon Blg. 1041

Nilagdaan ni Pangulong Ramos ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa Agosto.

 

2009 | Ordinansa Blg. 74 ng Kagawaran ng Edukasyon

Ipinatupad ang paggamit ng inang wika o unang wika sa elementarya o Mother Tongue-Based Multilingual Language Education (MTBMLE). 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento