Ad Code

ESTRUKTURANG FILIPINO | Introduksyon sa Estruktura ng Wikang Filipino

Hibarong Filipino: Alamin ang mga mahahalagang terminolohiya sa istruktura ng wikang Filipino.

 

Isa sa katangian ng wika ay ang pagkaroroon ng masistemang balangkas. Ang bawat tunog at salita ay binuo at pinagsasama-sama ayon sa tuntunin ng isang wika. Bawat wika ay may sinusunod na istruktura.

Tulad ng pagpapatayo ng gusali, upang matiyak na matibay ito, pinag-iisipan nang mabuti ang mga materyales na gagamitin; maging ang posisyon at lugar kung saan ito gagamitin. Katulad ng wika, pinag-aaralan ang bawat element nito upang matiyak ang mahusay na pakipagtatalastasan.

Bago natin suriin ang istruktura ng wikang Filipino, atin munang alamin ang kahulugan ng ilang mahahalagang termino.


Estruktura ng Wikang Filipino

Kinapalolooban ito ng mga pag-aaral kung paano nabubuo ang isang tunog sa ating wika at kung paano ito pinagsasama upang makabuo ng isang salita hanggang sa maging isang pangungusap. Kasama sa mga pag-aaral nito ang kahulugang taglay ng isang salita.


Ponolohiya

Ito ang maagham na pag-aaral sa mga tunog o ponema ng isang wika.

 

Morpolohiya

Ito ang pag-aaral sa kung paano binubuo ang isang salita o morpema.

 

Sintaksis

Ang pag-aaral sa pagbuo o sa istruktura ng pangungusap o sintaks.

 

Semantika

Ito naman ang pag-aaral sa kahulugan ng isang salita. Saklaw nito ang kaugnayan o relasyon ng mga salita sa iisang pangungusap, at kung paano ginamit ang isang salita sa loob ng pangungusap.


Pragmatika

Katulad ng semantika, tumatalakay din ito sa kahulugan ng salita o ng mga salita ngunit ito ay nakabatay sa konteksto ng komunikasyon.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento