Sa mga tunog o ponema nagsimula ang bawat salita ng isang wika. Ang makabuluhang pag-aaral nito (Ponolohiya) ay nagbigay linaw sa kung paano nga ba nakabubuo ng makabuluhang tunog ang mga tao na siyang pinagsasama-sama upang makalikha ng isang ganap na salita.
Alamin
natin ngayon ang kahulugan at ang mga uri ng ponema.
Ponema
Ito ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog ng isang wika. Ipinapakita ng mga ponema ang kaibahan ng isang salita mula sa ibang salita ng isang partikular na wika. Halimbawa ng salitang Filipino na ‘ina’ at ‘isa’. Ang ina ay tumutukoy sa isang magulang; samantalang bilang naman ang isa. Ang pagkaiba sa panggitnang ponema ng dalawang salita ay naging dahilan upang magkaiba ito ng kahulugan.
Bawat
wika ay may kaniya-kaniyang bilang ng ponema. Ang wikang Filipino, halimbawa,
ay binubuo ng dalawampu’t isang (21) ponema: labing-anim (16) na katinig at
limang (5) patinig.
Dalawang Uri ng Ponema
Binubuo ng dalawang uri ng tunog ang wikang Filipino. Ito ay ang mga:
A. Ponemang Segmental
Ito
ang mga tunog na kinakatawanan o tinutumbasan ng letra o titik. Nahahati ang
ponemang segmental sa mga bahagi:
- katinig
- patinig
- pares minimal
- ponemang malayang nagpapalitan
- klaster
- diptonggo
B. Ponemang Suprasegmental
Ito ang mga tunog na hindi tinutumbasan ng letra o titik. Sa halip, ang ponemang suprasegmental ay tinutumbasan ng mga notasyong ponemiko o mga simbolong nagpapakita ng paraan ng pagbigkas sa isang tunog.
Tinutulungan nito ang ponemang segmental upang higit na maunawaan ang nais ipahayag ng taong nagsasalita. Ito ay nakatuon sa:
- tono o intonasyon
- haba at diin
- antala o hinto
0 Mga Komento
Salamat sa pagbisita sa Hibarong Filipino.