Ang kahulugan mo’y isang
paglilingkod
na walang paupa sa hirap at
pagod;
minsang anyaya, minsang
kusang-loob,
pag-ibig sa kapwa ang lagi
mong diyos.
Natatalastas mong sa iyong
pananim
iba ang aani’t iba ang
kakain;
datapwat sa iyo’y ligaya na’t
aliw
ang magpakasakit nang sa
iba dahil.
Pawis, yaman, dunong,
lakas, dugo, buhay…
pinupuhunan mo at iniaalay,
kapagka ibig mong sa
kaalipinan
ay makatubos ka ng aliping
bayan.
Sa tulong mo’y naging
maalwan ang dukha,
sa turo mo’y nagit mulat
ang mulala,
tapang mo’y sa duwag naging
halimbawa’t
ang kamatayan mo ay buhay
ng madla.
Tikis na nga lamang na ang
mga tao’y
mapagwalang-turing sa mga
tulong mo;
ang kadalasan pang iganti
sa iyo
ay ang pagkalimot, kung di
paglililo.
0 Mga Komento
Salamat sa pagbisita sa Hibarong Filipino.