Isa
sa magbibigay ng kalinawan at kawastuhan sa mensaheng nais nating ipabatid ay
ang wasto nating pagbaybay sa mga salita. Bagaman, sa iilang mga Pilipino, ang
pagbaybay ng mga salita ay isang simpleng gawain, ngunit, katulad ng iba pang wika,
ang pagbaybay sa Filipino ay may sinusunod ding mga tuntunin.
Ating
alamin ang mga tuntunin sa wastong pagbabaybay sa wikang Filipino.
Baybay
Ito
ay wastong pagsusunod-sunod ng mga titik sa pagbuo ng isang salita. Mahalagang
ito ay mabatid ng ninuman upang maiwasan ang kalituhan sa mga salita lalo na
kung ang mga ito ay may dala-dalang kaniya-kaniyang kahulugan o konteksto.
Halimbawa
ng mga salitang ‘salusalo’ at ‘salo-salo’. Ang ‘salusalo’ ay nangangahulugang
piging o handaan; samantala, ang ‘sal0-salo’ ay sama-sama.
Katulad
ng iba pang wika, ang wikang Filipino rin ay may sinusunod na tuntunin sa
pagbabaybay ng mga salita. Ang mga alituntuning ito ay nahahati sa dalawang
paraan ng pagbabaybay: pasalita at pasulat.
Pasalitang Pagbaybay
Sa
pasalitang pagbaybay, ang mga titik sa alpabetong Filipino ay binibigkas
katulad ng sa alpabetong Ingles maliban sa titik ‘Ññ’ na binabasa sa wikang
Kastila.
Aa /ey/ |
Bb /bi/ |
Cc /si/ |
Dd /di/ |
Ee /i/ |
Ff /ef/ |
Gg /dyi/ |
Hh /eyts/ |
Ii /ay/ |
Jj /dyey/ |
Kk /key/ |
Ll /el/ |
Mm /em/ |
Nn /en/ |
Ññ /enye/ |
Ng ng /endyi/ |
Oo /o/ |
Pp /pi/ |
Qq /kyu/ |
Rr /ar/ |
Ss /es/ |
Tt /ti/ |
Uu /yu/ |
Vv /vi/ |
Ww /dobolyu/ |
Xx /eks/ |
Yy /way/ |
Zz /zi/ |
|
|
|
|
Isa-isang
binibigkas ang mga titik na bumubuo sa isang pantig, salita, daglat, akronim,
inisyals ng mga salita, salitang pang-agham, at iba pa. Kasama sa mga
binibigkas ang mga bantas na bumubuo rito, numero, at kung ang titik ba ay
nakakapital o nakamalaking letra.
Tingnan
kung paano binabaybay nang pasalita ang mga halimbawa sa ibaba:
Pantig
- ba - /bi-ey/
- man - /em-ey-en/
- tsu - /ti-es-yu/
- plan - /pi-el-ey-en/
- e - /i/
Salita
- aso - /ey-es-o/
- tsuper -/ti-es-yu-pi-i-ar/
- mag-asawa /em-ey-dyi-gitling-ey-es-dobolyu-ey/
- Klee - /kapital key-el-i-i/
Akronim
- DepEd (Department of Education) - /kapital di-i-pi-kapital i-di/
- MERALCO (Manila Electric Company) - /kapital em- kapital i- kapital ar- kapital ey- kapital el- kapital si- kapital o/
Inisyals
- MLQ (Manuel L. Quezon) - /kapital em- kapital el- kapital kyu/
- J.B. (Juan Batumbakal) - /kapital dyey- tuldok- kapital bi- tuldok/
- KWF (Komisyon ng Wikang Filipino) - /kapital key- kapital dobolyu- kapital ef/
Daglat
- G. (Ginoo) – /kapital dyi-tuldok/
- atbp (at iba pa) - /ey-ti-bi-pi/
- Gng. (Ginang) – /kapital dyi-en-dyi-tuldok/
- Atty. (Attorney) - /kapital ey-ti-ti-way-tuldok/
Pang-agham/Pangmatematika
- H (Hydrogen) - /kapital eyts/
- Au (Gold) - /kapital ey-yu/
- cm. (centimeter) - /si-em-tuldok/
- NaCl (Sodium Chloride) - /kapital en-ey-kapital si-el/
- CO2 (Carbon Dioxide) - /kapital si-kapital o-tu/
Sanggunian:
Almario, Virgilio
S., ed, Manwal sa Masinop na Pagsulat. Quezon City: Komisyon ng Wikang Filipino, 2014. e-book
0 Mga Komento
Salamat sa pagbisita sa Hibarong Filipino.