Sa
mga naunang aralin, nalaman natin na ang Ponema
ay ang pinakamaliit na yunit ng isang makabuluhang tunog. Ito ang nagsisilbing
pundasyon upang makabuo ng isang salitang may dalang kahulugan Kabilang dito
ang mga katinig at patinig.
Ating
alamin ang mga katinig at patinig sa Istrukturang Filipino.
Ponemang Segmental
Ito
ang tawag sa mga ponema o mga tunog na tinutumbasan ng letra o titik upang
mabasa. Sa istruktura, ang Filipino ay binubuo ng 21 ponema: 15 katinig, 5 patinig, at 1 natatanging ponema.
- 15 Katinig - /p, b, m, t, d, n, s, l, r, y, k, g, Å‹, w, h/
Ang
tunog /Å‹/ ay tinutumbasan ng
digrapong titik na ‘ng’.
- 5 Patinig - /i, e, a, o, u/
- 1 Natatanging Ponema - /Ê”/
Ito ay kumakatawan sa impit na tunog o
saglit na pagtigil ng hangin sa pagbigkas. Wala itong katumbas na titik o
letra, sa halip ay tinutumbasan ito ng isang tuldik.
Ang Katinig
Ang mga katinig sa Filipino ay
isinasaayos ayon sa punto at paraan ng artikulasyon, at kung binibigkas ba ito
nang may tinig o wala. Sa pagbuo ng mga pantig, ang mga katinig ay kailangang
may kasamang patinig.
Narito ang talahanayan para sa
kalinawan:
PARAAN NG ARTIKULASYON |
PUNTO NG ARTIKULASYON |
|||||
Panlabi |
Pang-ngipin |
Panggilagid |
Pangalangala |
Glottal |
||
Palatal |
Velar |
|||||
Pasara w. t. m. t. |
p b |
t d |
|
|
k g |
Ê” |
Pailong m. t. |
m |
n |
|
|
Å‹ |
|
Pasutsot w. t. |
|
|
s |
|
|
h |
Pagilid m. t. |
|
|
l |
|
|
|
Pakatal m. t. |
|
|
r |
|
|
|
Malapatinig m. t. |
|
|
|
y |
w |
|
Paraan ng Artikulasyon
Ito
ay naglalarawan kung paano nabibigyang-tunog ang mga ponemang katinig gamit ang
mga parte ng ating bibig, at ng iba pang sangkap tulad ng ating hininga.
- Pasara. Nabubuo ang tunog sa pamamagitan ng pagharang sa daluyan ng hangin.
- Pailong. Pagbuo ng tunog kung saan ang ating hininga ay lumalabas sa ating ilong sa halip na sa bibig.
- Pasutsot. Ang tunog ay nabubuo dahil sa makitid o makipot na pagitan ng dila at ng ngalangala, o ng mga babagtingan (vocal cords).
- Pagilid. Ang dulo ng ating dila ay nakadikit sa punong-gilagid dahilan upang ang hangin ay lumabas sa gilid ng dila.
- Pakatal. Ang tunog ay nabubuo dahil sa patuloy na pagpalag ng dulo ng nakaarkong dila dahilan upang ang hangin sa loob ng bibig ay mag-iba-iba ng direksyon habang ito ay nahaharangan ng dila.
- Malapatinig. Sa ponemang ito, ang kilos ng labi o dila ay nalilipat mula sa isang posisyon patungo sa iba pang posisyon.
Sa
paraan ng artikulasyon ng mga katinig ay may tinatawag tayong may tunog at walang tunog. Ito ay napapangkat sa paggamit ng ating babagtingan o
vocal chord.
- May Tunog (m. t.). Ginagamit natin ang ating babagtingan o vocal cord sa pagbigkas ng mga natatanging tunog ng isang katinig. Malalaman kung ang katinig ay may tunog kung ang babagtingan ay nangangatal o nagba-vibrate.
- Walang Tunog (w. t.) Hindi nagagamit ang babagtingan o vocal cord sa pagbuo ng tunog ng mga katinig na nasa ganitong pangkat. Nabubuo ang tunog dahil sa pagdaloy ng ating hininga sa iba’t ibang bahagi ng ating bibig. Malalaman kung ang katinig ay walang tunog kung hindi nangangatal ang babagtingan habang binibigkas ito.
Punto ng Artikulasyon
Ito
ay naglalarawan sa kung saang bahagi ng bibig nagaganap ang pagpigil,
pag-abala, o paglabas ng hangin sa tuwing binibigkas ang isang tunog.
- Panlabi. Nagdidikit ang itaas at ibabang labi sa pagbigkas ng tunog.
- Pangngipin. Ang dulong bahagi ng dila ay dumidikit sa pang-itaas na ngipin.
- Panggilagid. Ang dulo ng dila ay dumidikit sa punong-gilagid.
- Pangngalangala. Ang dulo ng dila ay dumidikit sa palatal o matigas na bahagi ng ngalangala, o sa velar o malambot na bahagi ng ngalangala.
- Glottal. Nagdidikit o bahagyang nagdidikit ang mga babagtingan o vocal cords dahilan upang maharang ang presyon ng papalabas na hangin mula sa ating baga. Ito ay nakabubuo ng impit o sutsot na tunog.
Mga Patinig
Ito
ay itinuturing na pinakaginagamit na ponema sa ating wika sapagkat lahat ng
pantig na mayroon ang isang salita ay naglalaman nito. Taliwas sa mga katinig,
ang mga patinig sa Filipino ay binibigkas nang walang anumang pagsagabal o
pagpigil sa hangin o hiningan dahilan upang maging mas matunog at mas mahaba
ang tunog ng mga ito. Ito ang rason kung bakit ginagawang batayan ang mga
patinig sa pagpapantig ng mga salita.
Sa
pagbigkas ng patinig, ginagamit natin ang ating dila. Naisaaayos ang mga
patinig ayon sa kung anong bahagi ng dila ang ginagamit at sa posisyon ng nito
sa pagbigkas.
Narito
ang talahanayan:
POSISYON |
BAHAGI NG DILA |
||
Harap |
Sentral |
Likod |
|
Mataas |
i |
|
u |
Gitna |
e |
|
o |
Mababa |
|
a |
|
Sanggunian:
- Alcaraz, Cid V, Jocson Magdalena O., at Villafuerte, Patrocinio V. Filipino 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Lungsod Quezon: Lorimar Publshing Co., Inc., 2005.
- Anrence Laban Galvez, LPT, “Ponemang Segmental (Uri ng Ponema)”. Youtube. 19 Agosto 2020. https://www.youtube.com/watch?v=b8MvnnGCV8M
- “Voiced and Voiceless Sounds”. Applied Linguistics: Week 3. Florida: The School Board of Broward Country, 2008. http://www.broward.k12.fl.us/bvu/ESOL/CAT-I_Applied_Linguistics/html/wk3_p3.html#:~:text=Voiced%20sounds%20are%20those%20that,the%20mouth%20at%20different%20points.
- NeilStephen19 [alyas], “Ponolohiya (FIL 101)”. Slideshare. 26 Hulyo 2015. https://www.slideshare.net/NeilStephen19/ponolohiya-fil-101
0 Mga Komento
Salamat sa pagbisita sa Hibarong Filipino.