Hindi lamang natatapos sa isang tao o sa iisang pagkatuklas ang pag-aaral sa wika. Mahalagang patuloy itong pag-aralan sapagkat patuloy din itong nadedebelop sa bawat pagdaan ng panahon.
Roman Jakobson
Itinuturing si Roman Jakobson bilang isa sa mahuhusay na dalubwika ng ikadalawampung siglo. Isa siya sa mga nagtatag ng pamosong samahan ng mga dalubwika na Linguistic Circle of New York o International Linguistic Association (kasalukuyang katawagan).
Si Roman Jakobson ay kabilang sa mga dalubwika na nagpanguna ng lingguwistikong istraktural. Tinitingnan nito ang wika bilang isang sistema ng magkaugnay na mga yunit tulad ng pagbuo ng salita, sintaks, at mga tunog. Ang kaniyang pag-aaral ay humantong sa pagbuo niya ng isang teorya ng komunikasyon.
Ayon
kay Jakobson, ang komunikasyon ay higit pa sa simpleng ugnayan ng pagpadadala
at pagtatanggap ng impormasyon. Tinukoy niya ang anim na salik na kailangan sa
komunikasyon, at ang anim na gamit ng wika na kailangan sa proseso ng
komunikasyon.
Gamit ng Wika ayon kay Roman Jakobson
Ang tinukoy ni Roman Jakobson na anim na gamit ng wika ay tumutukoy sa anim na layunin ng isang tao sa pagpadadala ng mensahe sa iba.
1. Pagpapahayag ng
Damdamin (Emotive)
Ginagamit ng tao ang wika upang ipahayag ang kaniyang damdamin, saloobin, emosyon o kagustuhan.
Halimbawa: pagpahahayag ng galit
2.
Panghihikayat (Conative)
Ginagamit ng tao ang wika upang makahimok, makapanghikayat, o makaimpluwensiya ng iba sa pamamagitan ng pag-utos o pakiusap.
Halimbawa: patalastas, pangangampanya, pakiuusap
3. Pagsisimula ng
pakikipag-ugnayan (Phatic)
Ginagamit ang wika bilang panimula sa isang usapan o pakipag-uugnayan.
Halimbawa: pagbati sa kausap
4. Paggamit bilang
Sanggunian (Referential)
Ginagamit ang wika mula sa isang babasahin bilang batayan ng ibinabahaging impormasyon.
Halimbawa:
pagbabasa ng aklat para sa gagawing pag-uulat tungkol sa wikang FIiipino
5. Paggamit ng Kuro-kuro
(Metalingual)
Ginagamit ang wika sa pagbibigay ng komento, kuro-kuro, opinyon, o suhestiyon tungkol sa isang bagay.
Halimbawa: pagbibigay-suhestiyon upang mabawasan ang pagbabaha
6. Patalinghaga
(Poetic)
Ginagamit ang wika sa malikhaing pamamaraan.
Halimbawa:
tayutay, idyomatikong ekspresyon
0 Mga Komento
Salamat sa pagbisita sa Hibarong Filipino.