Ad Code

ORTOGRAPIYANG FILIPINO | Ebolusyon ng Alpabetong Filipino

ORTOGRAPIYANG FILIPINO | Ebolusyon ng Alpabetong Filipino


Bago natin isa-isahin ang mga tuntunin ng wastong pagsulat sa Filipino, atin munang alamin ang naging ebolusyon ng alpabetong Filipino.

 

1. Suyat

Hindi pa man tayo nasasakop ng mga dayuhan, naitala nang may sariling paraan ang mga sinaunang Pilipino ng pagsulat. Ang mga sinaunang sistemang ito ay tinatawag na suyat. Tinatayang may labing-anim (16) na sinaunang alpabeto ang ginagamit sa buong Pilipinas bago tayo sakupin ng Espanyol. 

Mauugat ang mga ito sa mga sistemang panulat ng Brahmic (India) at Syriac (Syria).  Ang sistemang ito ay mauuri bilang Abugida. Isang sistemang gumagamit ng kombinasyong katinig-patinig.

Hibarong Filipino

Narito ang ilan sa mga suyat:

  • Baybayin – Tagalog
  • Buhid – Mangyan
  • Kulitan – Pampanga

Sa kasalukuyan, ang ilan sa mga rito ay nanganganib nang mawala.

 

2. Alpabetong Romano o Alpabetong Latin

Nang dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, namulat tayo sa alpabetong Romano. Ito ang ginagamit ng sinaunang Romano upang isulat ang Latin.

Ang mga sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Pilipino noon ay napalitan ng alpabetong ito. Narito ang mga alpabetong Romanong ipinalagap alinsunod sa gamit ng Espanyol:

Aa

Bb

Cc

CH ch

Dd

Ee

Ff

Gg

Hh

Ii

Jj

Ll

Ll ll

Mm

Nn

Ññ

Oo

Pp

Qq

Rr

RR rr

Ss

Tt

Uu

Vv

Xx

Yy

Zz

 

 

 

 

  • Walang titik ‘K’, ito ay ginamitan ng ‘C’ at ‘Q’
  • Walang ‘W’, sa halip ito’y ipinakatawanan sa ‘U’

 

3. Repormang Rizal

Si Jose P. Rizal ay nagpanukala ng ilang reporma sa ortograpiyang Tagalog.

A. Sobre la Nueva Ortografia de la Lengua Tagala (1890)

  • paggamit ng mga titik na K at W
  • pagsasaayos ng pantig na GUI at QUI
  • pagsasaayos ng diptonggo na AO

B. Estudios Sobre la Lengua Tagala (1899)

  • pagbuo ng alpabetong may labinlimang (15) katinig at limang (5) patinig na may kabuuang 20 titik

Ang mga panukalang ito ang naging batayan ni Lope K. Santos sa pagbuo ng AbaKaDa.

 

4. Alpabetong Pilipino / AbaKaDa

Ito ang alpabetong binuo ni Lope K. Santos. Mula sa Baybayin, dinadagdag niya ang katinig na ‘R’, at pinaghiwalay ang noong iisang e at i, at o at u. Kaya ang AbaKaDa ay nagkaroon ng 20 titik: 15 katinig, 5 patinig.

Sa pagbasa ng Alpabetong Pilipino, ang mga katinig ay binabasang may kasamang ‘a’.

Aa

a

Bb

ba

Kk

ka

Dd

da

Ee

e

Gg

ga

Hh

ha

Ii

i

Ll

la

Mm

ma

Nn

na

Ng ng

nga

Oo

o

Pp

pa

Rr

ra

Ss

sa

Tt

ta

Uu

u

Ww

wa

Yy

ya

Sa kabila ng malaking impluwensiya ng Espanyol sa ating wika, hindi isinama ni Lope K. Santos sa ABaKaDa ang mga titik na: C, CH, F, J, LL, Ñ, Q, RR, V,  X, Z. Sa halip, pinatili lamang ang paggamit nito sa mga tiyak na pangalan. Sa ibang mga salitang gumagamit ng mga titik na ito, tinapatan ito ng mga mga alpabeto ng ABaKaDa.

Hiram na Titik

Titik Tagalog

Salitang Espanyol

Baybay Tagalog

C

- s

- k

cine

calesa

sine

kalesa

CH

- ts

- s

cheque

chiste

tseke

siste

F

- p

fiesta

pista

J

- h

jota

hota

LL

- ly

- y

billar

caballo

bilyar

kabayo

Ñ

- ny

baño

banyo

Q

- k

queso

keso

RR

-  r

barrio

baryo

V

- b

ventana

bintana

X

- ks

- s

experto

xilopono

eksperto

silopono

Z

- s

zapatos

sapatos

 

5. Pinagyamang Alpabeto

Sa pagpasok ng dekada ‘70, naging malaking usapin ang diumano’y pagpapalaganap ng ‘puristang Tagalog’ o purong Tagalog sa bansa. Umusbong ito nang pormal na gawing wikang pambansa ang ‘Pilipino’ na hango sa Tagalog. Maraming umusig sa pagpapalaganap ng ‘Pilipino’ ngunit hindi sila nagtagumpay.

Naging hudyat ito sa surian upang muling suriin ang konsepto ng Wikang Pambansa. At noong 1976,  binago ang alpabeto.

Ang mga hiram na titik: C, CH, F, J, LL, Ñ, Q, RR, V,  X, Z ay isinama sa alpabeto. Ang dating 20 titik na ABaKaDa ay naging 31 titik.

Aa

Bb

Cc

Ch ch

Dd

Ee

Ff

Gg

Hh

Ii

Jj

Kk

Ll

Ll ll

Mm

Nn

Ññ

Ng ng

Oo

Pp

Qq

Rr

Rr rr

Ss

Tt

Uu

Vv

Ww

Xx

Yy

Zz

 

 

6. Alpabetong Filipino

Nang nabuo ang ‘pinagyamang alpabeto’ nagkaroon ito ng mga puna. Higit na mas marami ang mga idinagdag na titik kaysa kailangan lang. Muling sinuri ang alpabeto.

Noong 1987, ginawang 28 titik na lamang ang alpabeto. Pinatili sa alpabeto ang mga hiram na titik: C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z. Ginawang Ingles ang paraan ng pagbabasa ng mga titik; maliban sa Ñ na binabasa sa paraang Espanyol.

Aa

ey

Bb

bi

Cc

si

Dd

di

Ee

i

Ff

ef

Gg

dyi

Hh

eyts

Ii

ay

Jj

dyey

Kk

key

Ll

el

Mm

em

Nn

en

Ññ

enye

Ng ng

endyi

Oo

o

Pp

pi

Qq

kyu

Rr

ar

Ss

es

Tt

ti

Uu

yu

Vv

vi

Ww

dobolyu

Xx

eks

Yy

way

Zz

zi

 

 

 

 

At ito ang kasalukuyang alpabetong ginagamit at tinuturo sa Pilipinas.

 

 

Sanggunian:

  • Del Ayre, Jesssie O., Ortograpiyang Pambansa. Komisyon ng Wikang Filipino
  • Almario, Virgilio S., ed, Manwal sa Masinop na Pagsulat. Komisyon ng Wikang Filipino. 2014

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento