Ad Code

ESTRUKTURANG FILIPINO | Ang Panlapi

 Ang Panlapi

Halina't ating alamin ang mga panlapi.

Likas sa mga salitang Filipino ang nagbabago-bago ng kahulugan sa tuwing kinakabitan ng/ng mga titik ang isang salitang-ugat. Maaaring ito ay maging pangngalan, pandiwa, o kaya’y maging pang-uri.

Sa bahaging ito, ating mas kilalalanin ang mga titik na ito na kung tawagin ay mga panlapi.

Panlapi

Ang mga Panlapi ay titik o mga titik na inilalagay sa unahan, gitna, o hulihan ng salitang-ugat upang magkaroon ng panibagong kahulugan.

Halimbawa nito ng salitang ‘larô’ na tumutukoy sa pagsasaya o pag-aaliw. Tingnan kung paano magbago ang kahulugan nito sa pamamagitan ng pagkakabit ng iba’t ibang panlapi:

  • ka- + laro = kalaro > Ito ay tumutukoy sa kasama sa paglalaro.
  • pa- + laro + -an = palaruan > Ito ay tumutukoy sa lugar kung saan naglalaro.
  • nag- + laro = naglaro > Ito ay tumutukoy sa kilos mismo ng paglalaro na tapos nang gawin.
  • laro + -an = laruan > Ito ay tumutukoy sa bagay na nilalaro.
  • mapag- + laro = mapaglaro > Ito ay maaaring maglarawan sa isang taong manloloko.

Isang uri ng mga morpema ang panlapi sapagkat nagdadala ito ng panibagong kahulugan sa isang salita. Ngunit, ito ay mauuri bilang di-malayang morpema sapagkat kailangang ikabit ang panlapi sa isang salitang-ugat upang magkaroon ito ng tiyak at malinaw na kahulugan.

Panlapi at Alomorp

Ang mga alomorp ay isang ponetikong barayti ng mga morpema na nabubuo dahil sa pagbabago ng bigkas o baybay mula sa orihinal na morpema. May pagbabago man, hindi nagbibigay ng panibagong kahulugan ang mga alomorp sa isang salita.

Halimbawa nito ang /s/ sa salitang ‘please’ kung saan ito ay binibigkas ng tunog /z/. Kung bibigkasin ito ng /plees/ o /pleez/ (pinakatamang bigkas) ay walang magbabago sa kahulugan ng salita.

Sa mga panlapi, nagkaroroon ng mga alomorp dahil sa impluwensiya ng iba pang ponema sa salitang kinakabitan nito. Tinatawag natin itong asimilasyon na isang uri ng pagbabagong morpoponemiko.

Nagaganap ang alomorp sa mga panlaping nagtatapos sa ponemang /Å‹/ (‘ng’). Dahil sa impluwensiya ng ponemang susundan nito, ang /Å‹/ ay nagiging /m/ o /n/.

Tingnan ang talahanayan para sa halimbawa:

PANLAPI

ALOMORP

HALIMBAWA NG SALITANG MAY ALOMORP

pang-

pam-

pan-

pambansa

panlalawigan

sing-

sim-

sin-

simputi

sintangkad

kasing-

kasim-

kasin-

kasimbango

kasindungis

mang-

mam-

man-

mambubukid

manloloko

 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento