Ad Code

SUYAT | Sinaunang Paraan ng Pagsulat ng Baybayin

 Sinaunang Paraan ng Pagsulat ng Baybayin

 

Halina't ating alamin ang sinaunang paraan ng pagsulat ng Baybayin.

Isa ang Baybayin sa mga sinaunang paraan ng pagsulat ng mga Pilipino – ispesipiko ang mga Tagalog. Karaniwang itong inuukit ng mga sinaunang Pilipino sa mga balat ng punongkahoy at kawayan gamit ang mga matutulis na bagay.

Sa pagdaan ng panahon, may mga ilang pagbabagong naganap sa makalumang paraan ng pagsulat ng Baybayin. May mga ilan ring dalubwika ang nagpanunukala ng mga pagbabago sa alpabetong ito upang makasabay sa pagiging moderno ng ating wika.

Ganoon pa man, ilanmang pagbabagong naganap o magaganap, mahalang mabalikan ang orihinal na paraan ng pagsulat ng Baybayin ng mga sinaunang Pilipino.

 

Sinaunang Paraan ng Pagsulat ng Baybayin

Kung sisipatin, walang gaanong pagbabago ang naganap sa Baybayin mula sa orihinal nitong sistema. Ang mga tuntunin at pamamaraang itinuturo sa paaralan ay ito ring tuntunin sa sinaunang pagsulat ng suyat na ito. Maging ang mga simbolo ay wala ring nagbago.

Ang Baybayin ay naglalaman ng 17 simbolo: 3 ang patinig at 14 na katinig.

Hibarong Filipino | Baybayin

  • Iisa lamang ang simbolo para sa patinig na e at I, at o at u.
  • Iisa rin ang simbolo para sa katinig na da at ra.

Ginagamit ang isang linya (/) katumbas ng kuwit, at dalawang linya (//) bilang panumbas sa tuldok.

Hibarong Filipino | Baybayin

Upang mapalitan ang tunog ng simbolo, nilalagyan ito ng tuldik: tuldik sa itaas para sa tunog /e-i/ at tuldik sa ilalim para sa tunog na /o-u/.

Hibarong Filipino | Ang Baybayin

Ngunit, ang sinaunang paraan ng pagsulat ng Baybayin ay hindi nagtataglay ng anumang pamatay-tunog o virama.

Hibarong Filipino | Ang Baybayin

Ang mga tunog-konsonante na walang kasamang tunog-patinig ay hindi na isinusulat pa sa Baybayin.

Hibarong Filipino | Ang Baybayin

Narito ang isang halimbawa ng pangungusap na nasusulat sa alpabetong Romano at Baybayin.

 

Hibarong Filipino | Ang Baybayin

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento