Kasaysayan ng Panitikang Pilipino sa Panahon ng Batas Militar o Bagong Lipunan
Nagdulot ng mga hindi magagandang mga resulta sa Pilipinas ang pagwawakas ng digmaang America-Japan. Kumitil ito ng maraming buhay. Nag-iwan ng mga wasak na ari-arian at gusali. Pinababa ng digmaang ito ang antas ng pamumuhay ng bawat Pilipino, at pinabagsak ang ekonomiya ng bansa.
Ganoon man, pinilit pa rin ng mga Pilipino ang
muling bumangon sa kinasasapitang kalagayan. Hanggang sa dumako ang kasaysayan
ng bansa sa panibagong yugto – ang panahon ng Batas Militar.
Kaligirang Kasaysayan
Ano ang Batas Militar?
Ito ay isang kautusang nagpasaiilalim sa isang lugar sa kapangyarihang militar. Ipinapatupad ito kung ang lugar ay nakararanas ng hindi makontrol na malawakang kaguluhan, paglabag sa batas, rebelyon, giyera, o kaya’y pananakop. Sa panahong ipinatutupad ito, humihigpit ang pagpatutupad ng curfew, nabubuwag ang batas at mga karapatang sibil, at nawawala ang habeas corpus (pagbabawal sa hindi makatarungang pagkulong).
Karaniwang nagsisilbing pangulo nito ang may pinakamataas na katungkulan o ranggo sa militar. Tataglayin ng pangulo ang kapangyarihan ng tatlong sangay ng pamahalaan: ehekutibo, lehislatibo, at hudisyal. Sa Pilipinas, ang may pinakamataas na katungkulan sa militar ay pangulo mismo ng bansa kaya siya ang magsisilbing pinuno o pangulo sa batas militar.
Bakit nagdeklara ng Batas Militar si Dating Pang. Ferdinand Marcos Sr.?
Sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1081, idineklara ni Dating Pang. Marcos ang Batas Militar noong Setyembre 23, 1972 sa probisyon ng Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas 1935. Inilarawan ng nasabing proklamasyong ang ‘state of lawlessness’ na lumaganap sa buong bansa dahilan upang malagay sa panganib ang buhay ng bawat Pilipino.
Ang tumataas na banta at paglakas ng puwersa ng mga komunista ay naging pangunahing dahilan ng pangulo upang ipatupad ang batas militar. Naging dahilan din ni Dating Pang. Marcos ang naganap na pagtatambang kay Juan Ponce Enrile na noo’y kalihim ng Tanggulang Pambansa.
Opisyal na nagwakas ang Batas Militar nang ideklara
ni Dating Pang. Marcos ang pagwawakas nito noong Disyembre 22, 1980.
Panitikan sa Panahon ng Batas Militar
Maikling Kuwento
Nagpatuloy ang paggagangtimpala ng pamosong Gawad Palanca sa mga natatanging maikling kuwento sa panahon ng Batas Militar o Bagong Lipunan. Ang karaniwang paksain sa mga nailathalang kuwento sa panahong ito ay tumutungkol sa naging buhay ng mga Pilipino sa Bagong Lipunan nang hindi tumutuligsa sa Batas Militas.
Mga Ilang Manunulat
- Alfredo Lobo
- Mario Libuan
- Augusto Sumilang
- Lualhati Bautista
- Reynaldo Doque
- Benigno Juan
- Benjamin Pascual
- Domingo Landicho
Nobela
Naging malaking problema sa mga nobelista ang mga suliranin sa pagpalilimbag. Una, ang kamahalan nito; ikalawa, ang mahigpit na pagsensura sa mga nilalaman ng nobela.
Mga Ilang Manunulat:
- Dominador Mirasol – “Ginto ang Kayumangging Lupa”
- Bienvenido Ramos – “May Tibok ang Puso ng Lupa”
- Lualhati Bautista – “Dekada ‘70”, “Gapo”, “Bata, Bata Paano ka Ginawa”
- Mano De Verdades – “Hulagpos”
- Francisco Sionil Jose – “The Pretender”, “Tree”, “My Brother, My Executioner”, “Mass”
- Jun Cruz Reyes – “Tutubi! Tutubi! Wag kang Magpahuli sa Mamang Salbahe”
Tula
Numingning ang pagbuo ng islogan sa panahon ng Batas Militar. Karaniwan itong ginagamit ng mga aktibista at ng mga telebisyon.
Mga Ilang Manunulat
- Virgilio Almario – “Makinasyon”, “Peregrinasyon”, “Doktrinang Anak Pawis”
- Juan Dela Cruz – “Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran”
- Pociano B. Pineda – “Pilipino: Isang Depinisyon”
- Teo Antonio – “Litanya kay Sta. Clara”
- Jose Lacaba – “Ang mga Walang Pangalan”
- Rogelio Mangahas – “Mga Dugong Plakard at iba pang Tula”
- Lamberto Sandoval – “Ang Ginoo sa Gitna ng Pagkaagnas”
- Federico Licsi-Espino – “Larawan ng Isang Ulila”
- Ruth Mabanglo – “Mga Liham ni Pinay”
- Tomas Aguito – “Huwag na po kayong tumula sa amin”
- Marra Lanot – “Babae Kami”
Dula
Hustong sumigla ang dula sa panahon ng Bagong Lipunan dahil sa pagtataguyod nito ni Unang Ginang Imelda Marcos. Isa sa mga dahilan ng pagsigla ng dulaang Pilipino ang pagsaaayos ng mga lumang tanghalan tulad ng Metropolitan Theatre.
Mga Ilang Manunulat
- Orlando Nadres – “Hanggang Dito na lamang at Maraming Salamat”
- Tony Perez – “Alex Antiporda”
- Jose Lacaba – “Ang mga kagila-gilas na pakikipagsapalaran ni Juan Dela Cruz”
- Domingo Ladicho – “Dupluhang Bayan”
- Bonifacio Ilagan – “ Pagsambang Bayan”
- Bienvenido Lumbera – “Tales of Manuvu”
- Amelia Lapena-Bonifacio – “Ang Paglalakbay ni Sisa”
- Malou Jacob – “Juan Tamban”
- Rolando Tinio – “Katwiran ng Katwiran”
- Rene Villanueva – “Sandaang Panaginip”
Mga Naitatag na Samahang Pandula
- Sining Kamboyoko sa Mindanao State University sa Marawi (1974)
- Tanghalang Ateneo (1974)
- Teatro Pilipino (1976) – Rolando Tinio
- Dulaang UP (1976) – Antonio Mabesa
- Teatrong Mulat (1977) – Amelia Lapena-Bonifacio
- Integrated Performing Arts Guild (1978) – Steven Patrick Fernandez
Sanggunian:
- “Ang Pagdeklara ng Martial Law”. Martial Law Museum. https://martiallawmuseum.ph/fl/magaral/declaration-of-martial-law
- “Kabanata 6 - ANG PANITIKAN SA PANAHON NG BATAS MILITAR . KASAYSAYAN, IBAT IBANG PANITIKAN”. Studocu. https://www.studocu.com/ph/document/philippine-school-of-business-administration/accounting/kabanata-6-ang-panitikan-sa-panahon-ng-batas-militar-kasaysayan-ibat-ibang-panitikan/28657068
- Teacher’s Corner, “Araling Panlipunan 6: Ang Pagtatapos ng Batas Militar”. YouTube. 22 Abril 2021. https://www.youtube.com/watch?v=5jInoKebnTw
- V. Almario (ed), “batas militar”. Ikaunang tomo ng Sagisag Panulat. CulturEd Philippines. Manila: National Commission for Culture and the Arts, 2015. https://philippineculturaleducation.com.ph/batas-militar/
- Villacorta Rio Mariz, “Panitikan Sa Panahon NG Batas Militar”. Scribd. https://www.scribd.com/document/514775482/Panitikan-sa-Panahon-ng-Batas-Militar
0 Mga Komento
Salamat sa pagbisita sa Hibarong Filipino.