Pagsulat ng Baybayin
Sa mga nakaraang aralin,
kinilala natin ang Baybayin at kung paano ito sulatin sa sinaunang pamamaraan. Ngayon
ay atin namang aalamin ang pagsulat ng Baybayin sa kasalukuyang tuntunin.
Mahalagang Tuntunin
Upang maging wasto at mahusay ang pagsusulat sa paraang Baybayin, mahalagang isaisip ang tuntuning ito: kung ano ang bigkas, siyang baybay. Sa pagsasalin ng Baybayin, importanteng bigyan-pansin ang tunog ng salita kaysa sa ispeling nito. May mga salita sa Tagalog na iba ang ispeling sa kung paano ito bigkasin tulad ng ‘mga’ at ‘ng’. Ito ring tuntunin ang sinusunod kung nais nating i-Baybayin ang mga pangngalang pantangi halimbawa ng ating mga pangalan.
Baybayin
Ang Baybayin ay binubuo ng 17 simbolo: 14 katinig at 3 patinig.
Paraan ng Pagba-Baybayin
Ang Baybayin ay isang abugidang alpabeto kung saan ang bawat simbolo ay tinutumbasan ng kombinasyong katinig-patinig.
Pantig-pantig nating isinasalin ang salita sa Baybayin.
Binubuo ng tatlong tuldik ang Baybayin. Binabago ng mga tuldik na ito ang tunog sa simbolo ng Baybayin. Narito kung paano gamitin ang mga tuldik sa Baybayin:
- O – kung walang tuldik, ito ay tunog /a/
- O’ – kung tuldik sa itaas, ito ay tunog /e-i/
- O, - kung tuldik sa ilalim, ito ay tiunog /o-u/
- Ox – kung ekis (o krus) sa ilalim, ito ay walang tunog
Pansinin ang halimbawa sa
pagtutuldik sa Baybayin ng /ba/:
Narito ang halimbawa ng mga
salitang isinalin sa Baybayin:
Binubuo ng dalawang bantas ang Baybayin:
- / - isang linya na kumakatawan sa kuwit
(,)
- // - dalawang linya na kumakatawa sa tuldok (.) o sa ganap na paghinto
Narito ang isang talatang isinalin sa Baybayin:
0 Mga Komento
Salamat sa pagbisita sa Hibarong Filipino.