Ad Code

ESTRUKTURANG FILIPINO | Ang Pangngalan

Ang Pangngalan

Halina't ating alamin ang pangngalan.

Mahalagang bahagi ng estruktura ng isang wika ang mga bahagi ng pananalita sapagkat ito ang bumubuo sa mga pangungusap. Kung babalikan ang ating pag-aaral, marahil, ang pinakaunang bahagi ng pananalita na naituro sa atin ay ang pangngalan.

Sa araling ito, ating sasariwain ang kahulugan ng isang pangngalan.

Pangngalan

Ang pangngalan ay isa sa bahagi ng pananalita na nabibilang sa uring pangninilaman. Nagtataglay ng tiyak na kahulugan ang pangngalan. Hindi nito kailangang isama sa iba pang salita upang maunawaan ang kahulugan nito.

May dalawang paraan ng pagbibigay katuturan sa pangngalan:

A. Pansemantika

Sa paraang pansemantika, nauuri ang bahagi ng pananalita batay sa tinataglay nitong kahulugan. Samakatuwid, ayon sa pansemantikang pananaw, ang pangngalan ay mga salitang sumisimbolo o nagbibigay-ngalan sa tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari, kondisyon, kaisipan, at iba pa.

Halimbawa:

  • Jose
  • aso
  • Pilipinas
  • Araw ng Kalayaan
  • kapayapaan
  • kalungkutan

B. Lingguwistikang Istruktural

Sa pananaw na ito, binabatay ang katuturan ng isang salita sa kayarian at paraan ng paggamit nito sa pangungusap. Ayon dito, ang mga salitang kasunod ng ang, si, kay, ni, sa, ng at ang mga anyong maramihan nito ay mauuri bilang pangngalan o gumaganap bilang pangngalan.

Halimbawa:

  • Si Anna
  • ang mga bata
  • sa Batangas
  • nina Anna at Jose
  • kina Maria at Mario
  • ng prutas

 

Sa ating paaralan, upang mabilis na maunawaan o matandaan, ang pangngalan ay mga salitang nagbibigay-ngalan sa tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari, at iba pa.


Klasipikasyon ng Pangngalan

Ang mga Pangngalan ay maaaring mauri:

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento