Ad Code

ESTRUKTURANG FILIPINO | Uri ng Pangngalan ayon sa Kayariang Pansemantika

Pangngalan: Uri ayon sa Kayariang Pansemantika

Halina't ating alamin ang uri ng pangngalan ayon sa kayariang pansemantika.

Sa nakaraang aralin, ating nalaman na ang pangngalan ay mga salitang nagbibigay-ngalan sa tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari, at iba pa. Maaaring mauri ang pangngalan sa iba’t ibang klasipikasyon at isa na rito ang uri ayon sa kayariang pansemantika.

 

Uri ng Pangngalan ayon sa Kayariang Pansemantika

Nauuri ang pangngalan batay sa taglay nitong diwa o kahulugan. Mayroong 2 uri ng pangngalan batay sa kayariang pansemantika:

1. Pangngalang Pambalana

Ang pangngalan ay nasa uring pambalana kung nagsasaad ito ng diwang pangkalahatan. Ginagamit ang pangkalahatang katawagan sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari upang bigyan ito ng ngalan. Karaniwang nagsisimula sa maliit na titik ang pangngalang pambalana (maliban kung ito ay nasa unahan ng pangungusa).

Halimbawa:

  • kaibigan
  • aso
  • bansa
  • pista
  • aklat

2. Pangngalang Pantangi

Ang pangngalan ay nasa uring pantangi kung nagsasaad ito ng partikular na pangalan. Binibigyan ng tiyak o ispesipikong ngalan ang isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari. Nagsisimula ang mga pangngalang pantangi sa malaking titik.

Halimbawa:

  • Anna
  • Browny
  • Pilipinas
  • Ati-atihan Festival
  • Aklat sa Filipino 4

 

Tingnan ang ginawang panunumbas sa pangngalang pambalana at pangngalan pantangi:

  • pangulo – Pang. Ferdinand Marcos Jr., Pang. Emilio Aguinaldo
  • mang-aawit – Lea Salonga, Regine Velasquez
  • manguguhit – Fernando Amorsolo, Juan Luna
  • manunulat – Liwayway Arceo, Efren Abueg
  • bayani – Jose P. Rizal, Andres Bonifacio, Antonio Luna
  • aso – Browny, Doggy
  • pusa – Mingming, Meowy
  • bansa – Pilipinas, Thailand, Japan
  • lalawigan – Rizal, Leyte, Davao del Sur
  • mall – Trinoma, SM North EDSA, Robinson
  • lungsod – Quezon City, Manila, Taguig
  • kontinente – Asya, Aprika, Europa, Australia
  • pista – Pangbenga Festival, Sinulog Festival
  • holiday – Araw ng Kalayaan, Araw ng Kagitingan
  • selebrasyon – Buwan ng Pag-ibig, Buwan ng Wika, Bagong Taon, Araw ng Pasko
  • selpon – Samsung, Vivo, Oppo, iPhone
  • hatirang pangmadla – Facebook, Instagram, TikTok, X
  • sasakyan – Mitsubishi, Hyundai, BMW

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento